'.....And they live happily ever after.' |
Ngayong papalapit na ang Pasko at malamig na ang simoy ng hangin at ako'y nakatalukbong ng kumot na butas, naalala ko ang mga kwentong pangkama pampa antok. Hindi ako yung taong kailangang ipaghele, kantahan ng mga kung anong kinginang lullaby songs o kaya iduyan para makatulog. Sariwa pa sa isipan ko ang kwento ng klasik na pagong at matsing na paulit-ulit na ikinikwento sa akin, araw-araw, gabi-gabi, bago ako pumikit at mahimbing.
Subalit sa aking isipan ako'y dilat na dilat at laging iniisip kung bait naunahan ng pagong ang matsing sa karera nila.
Buti naman at bago ako maging binatilyo at bago matuli ang aking sandata eh narinig ko na din ang iba pang kuwento maliban sa dalawang hayop na yun. Natutunan ko sa mga bedtime stories na huwag basta basta magtitiwala sa matatandang mangangatok sa iyong bahay at magbibigay ng mansanas, na dapat maging mabait sa mga palaka dahil maaari daw itong Royal blooded na nagsa-hayup lamang, na kapag inalipin ka ng matagal na panahon darating ag araw na anuman ang iyong naiisin ay ibibigay ng Fairy Godmother. Pero putek sinong inuto niyo? Kahit musmos at walang muwang ako nuon, alam kong ang happily ever after ay isang patibong lamang para ako'y makatulog. "And they live happily ever after" same as "forever" walang ganun hindi pinahintulutan ng syensiya ang salitang forever. Kaya siguro ang salitang forever ay na-stock na lang sa mga kwento dahil ang salitang yan ay "bulaan" o lokohan lamang. Sa pagkukuwento ni ermats nuong ako ay bata pa kapag narinig mo na ang salitang yan ay senyales na, na tapos na ang kwento panahon na para matulog ka. At kapag di ka pa rin tulog ang magkwekwento na sa puwet mo ay latay ng sinturon. At hindi yun happily ever after.
Subalit hindi e. Dilat na dilat pa rin ako. At nagninilay nilay kung bakit naunahan ng pagong ang matsing.
Pero heto na, at dumating din yung panahong naririnig ko ang mga kwentong gusto ko marinig. Panahon yun ng brownout na hanggang ngayon ay nangyayari pa rin naman sa aming probinsiya. Naalala ko tuloy si Lola Maria na animo'y binuhay ang katauhan ni Lola Basyang. Sa ilalim din siya ng puno magkukuwento at igagather niya lahat ang mga bata habang magseset-up kame ng bonfire habang magkukuwento si Lola, hayup naalala ko ang isang palabas noong panahon din ng 90's. Yun yung "Are You Afraid of the Dark" parang The Cast of the Midnight Society. At mula duon ang saya naming naririnig ang mga kuwento ni Lola, ang mga istorya ng mga ispiritong gumagala, ang kuwento ng manananggal na nagroronda sa mga bubong, ang nakaputing babae na naka antabay sa puno ng balete. Aandap andap man ang apoy, walang pagsidlan ng tuwa ang aking puso habang naririnig ang kuwento ng tikbalang, aswang at santermo. At ng mga patay na nabubuhay, ng mga gumagalawa na baso sa spirit of the glass, at kung bakit nag-iiba ang boses at lumalakas ng sobra ang aming kapitbahay sa tuwing ito'y sinasaniban. At pagkatapos nun, kanya kanya nang uwi.
Yung mga kuwento ni Lola ang laman ng aking isip bago ako makatulog. At tsaka ko lang nakalimutan ang kuwento ng karerahan ng pagong at ng...ng... at ng kasama nitong hayop.
Paminsan-minsan parang bata ko pa ring hinahanap hanap at gustong balikan ang mga bedtime stories. Pero dahil malaki na ako at puro malisya ang utak, hindi na yun magyayari. Hindi na.... Ibang kuwento na ang nagpapahimbing sa akin. Ito ang mga kuwentong masarap namnamin kahit walang salitang dapat bigkasin. Ang istorya ng magdamag-- na higit pa sa hiyaw ng kababalaghan, higit pa sa karerahan, higit pa sa palakang Royal blood at higit pa sa mga palasyo ng ever after.
At sa kalaliman ng malamig na simoy ng gabi, ang tanging namumutawi sa aking bibig ay ang init ng aking mga maririing ooohhhngol....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento