Bakit mo nga ba pag-iisipang hindi hilingin ang pagkakaroon ng mala-superhero na lakas? Isipin mong isa kang explorer na nakarating sa isang kuweba sa gitna ng malawak na disyerto—pagod na pagod, pero sabik nang makuha ang mahiwagang lamparang matagal mo nang hinahanap. Isang hiling lang ang maaari mong hilingin, at ang unang pumasok sa isip mo ay maging isang makapangyarihang nilalang, kasing lakas ng mga tauhan sa comics at palabas. Pero bigla kang nagdalawang-isip… tama ba talaga na ito ang iyong hiling? Tara, pag-usapan natin ang mga dahilan.
Sa totoo lang, hindi naman lahat ng lakas ay nakikita sa laki ng muscles.
Pero paano nga ba nagkakaroon ang isang tao ng mas maraming muscle fibers?
Paano mo nga ba made-develop ang natural na lakas ng iyong mga muscles? Siyempre, may mga taong ipinanganak na mas malakas kaysa sa iba—dahil ito’y bahagi ng kanilang genetics. Nasa lahi o pamilya ang posibilidad ng natural na lakas. Kaya may ilan na kahit hindi nag-eehersisyo, tila malalakas pa ring bumuhat, sumuntok, tumalon, o tumakbo nang mabilis.
Pero paano naman iyong wala sa lahi ang pagiging malakas? Sa totoo lang, kahit hindi namana ang lakas, maaari mo pa rin itong ma-develop sa pamamagitan ng exercise at tamang diet kailangan lang magkaroon ng disiplina at dedikasyon sa pagkakaroon ng strength training para sa mga type two muscle fibers at endurance training para sa type 1 muscle fibers, maging member ka sa isang gym at mag-eensayo ka ng kahit tatlong beses sa isang linggo tapos magsimula ka sa calisthenics, powerlifting, at bodybuilding pagkaraan ng ilang buwan ay magbabago na ang katawan mo. Pero paano kung meron kang mahiwagang lampara para mahiling mo ang pagiging malakas hihilingin mo ba na magkaroon ng superhero na lakas. Malamang ang sasabihin ng marami ay isang malakas na oo kasi nga sino ba naman ang ayaw maging katulad ng mga superhero na nakabuhat ng mga tangke at nakasuntok sa mga kongkretong pader? Sino ba ang ayaw magkaroon ng kakayahang humarang sa napakabilis na tren o kaya magbuhat ng isang napakalaking estatwa? Sa larangan ng Physics ang lakas natin ay dahil sa force o pwersa na nanggagaling sa mga muscle fibers na meron tayo. Ang force ay sinusukat gamit ang newtons at ang average na suntok ay may pwersa na 2,500 newtons. Pwede itong magawa sa isang punching bag at pwede rin ito magawa ng isang boksingero habang nakikipag sparring. Pero kung ang gusto mo ay makabutas ng isang konkretong pader ay kailangan mong magkaroon ng superpowers para makagawa ng 250,000 newtons na pwersa, ibig sabihin ay dapat i-multiply mo ng 100 times ang lakas ng isang average na tao at yun ang lakas ng isang super hero at dahil muscle fibers natin ang ginagamit pa rin kung meron tayong sobra-sobrang lakas ay kailangan nating kumain ng napakarami.
Para magkaroon ng enerhiya, sinusukat natin ito sa caloric intake—ang “calorie” ay ang energy na nakukuha natin mula sa pagkain, na ginagamit ng katawan at ng mga muscles. Ang isang ordinaryong tao ay nangangailangan ng humigit-kumulang 1,600 hanggang 3,000 calories bawat araw.
Hay talagang papalayasin na ako dito, ang nasabi mo na lang sa iyong sarili kung problemado ka na sa paggamit ng mga bagay-bagay ay paano na kung kailangan mong makisalamuha sa mga ordinaryong tao? Kunwari na lang pag-uwi mo isang araw ay nakita mo ang mga taong mahalaga sayo. Nagmano ka sa mga magulang mo at ' mo namalayan na nayupi mo ang mga kamay nila. Sa dining room ay naroon ang ate mo at tinapik mo naman siya sa balikat at para siyang napukpok ng malaking martilyo. Si bunso napadaan at nakipag five sayo kaya siya ay tumilapon papunta sa labas ng bahay. Nakaupo ka sa sala at dumating ang best friend mo at nakipag fish bump kaya tumalsik siya na para bang hinampas ng malakas. Sa huli ay dumating naman ang kasintahan mo niyakap mo siya at sa isang iglap ay napilipit ang katawan niya nakapikit ka pa na nagbigay ng halik sa labi at pagdilat mo ay wala ng ulo ang minamahal mo napasigaw ka na lang ng hindi mo namamalayan at dahil sa sigaw mo ay nagkaroon ng lindol na ikinamatay pa ng ibang tao.
Kapag sinabayan pa natin ito ng konsepto ng pressure, mas maiintindihan mo kung bakit delikado ang mala-superhero na lakas. Kapag gumamit ka ng kamao, kamay, o paa—mga bahagi ng katawan na may maliit na surface area—nakakalikha ito ng napakalaking pressure, minsan umaabot pa sa megapascal.
Ibig sabihin, kung may bumabagsak na eroplano at sinubukan mo itong itulak, sapat ang pressure ng kamay mo para buksan o sirain ang bahagi ng eroplano. Oo, maaari mong mailigtas ang ilang pasaherong nakatalon bago sumabog ang eroplano… pero kapag sinalo mo naman sila, may posibilidad na mabali ang katawan nila dahil sa sobrang pressure. At isipin mo na lang—kung manununtok ka o maninipa ka ang super pressure na nadudulot mo ay magiging mapinsala. Ang suntok mo o sipa ay makakabukas ng katawan. Wala ka ng kalaban na madadala sa mga kapulisan lahat sila ay patay agad at ikaw ngayon ang magiging wanted. Pero syempre ang sasabihin mo ay makokontrol ko naman ang aking lakas, ang totoo napakahirap gawin ito ng habang buhay mas mataas ang tyansa na hindi mo ito magagawa at imbes na maging idolo ka ng mga tao ikaw ang magiging public enemy number one. Dahil dito pwedeng maging anxious ka at takot.
Ayaw mong makasama ang ibang tao, ayaw mong makasakit ng tao, at maaaring mas gusto mo pang mapag-isa. Superhero ka nga pero mamumuhay ka na parang isang ermitanyo. Ngayon meron kang hawak na mahiwagang lampara at pwede mong hilingin na magkaroon ng lakas ng isang superhero ay dapat na magdalawang isip ka. Huwag mo gawin, siguro ang hilingin mo na lang ay magkaroon ka ng dedikasyon, pasensya, at disiplina para mag-ensayo sa gym at mag body building.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento