I can only say that I'm a fan since the first Season of Stranger Things mula sa pagkawala ni Will Byers hanggang sa pagkawala naman ni Holly Wheeler sa Season 5. But it comes with a sad vibe, since kumpirmado na, this will be the last season of my favorite sci-fi series, which debuted in 2016.
At sa totoo lang, nandito na ang lahat ng hinahanap ko sa isang kuwento—kumpletos rekados, lalo na kapag 80s ang set-up. Nostalgic ang mga porma, ang japorms, ang buhok, ang simpleng damit na iconic sa dekadang ’yon, at syempre, ang mga tugtuging kumikiliti sa alaala. Tinamaan talaga ang puso ko ng perpektong musika ng 80s, sabay pa sa mga gawain noon ng kabataan: sleepovers sa bahay ng barkada, board games at arcade, mga payak na crush na bumabagsak sa simpleng ngiti—mga bagay na hindi na maibibigay ng modernong panahon.
Pag hinalo mo ang nostalgia sa misteryo, siyensya, at halimaw ng ibang dimensyon, talagang mapapabinge-watch kahit sinong masalang manood. Ang hirap tumakas sa mundong ganito kapag bawat eksena ay sumisiklab ng excitement, saya, at alaala ng panahong hindi na babalik.
Pagkatapos kong panoorin ang unang bahagi ng huling season ng Stranger Things, dama ko na marami ang magwawakas ang hininga. Paulit-ulit tayong tinukso ng mga sandaling muntik nang mamatay ang mga bida, ngunit may kirot sa dibdib na nagsasabing wala nang “malalapit na ligtas” sa susunod pang ikalawang kabanata. Kasalukuyang nasa Season 5, Episode 3 na ako at bago ko ito pinanood at bago malamang maguumpisa ang 1st chapter ng Season 5 ay inulit kong muli ang series mula Season 1. May isa pa akong episode ang hindi napapanood bago ipalabas ang ikalawang chapter sa araw ng Pasko, December 25.
Sampung ulit nang lumiit ang tsansa ng iba ang mabuhay, dahil nagbalik si Vecna—hindi na nag-iisa, kundi may dala nang hukbong sumasabay sa kanyang kadiliman.
Patuloy akong ginugulat, ginagalaw, at ginagapos ng palabas na ito. At ngayon, handa na ako sa mga sandaling baka tuluyan nang bumuhos ang luha ng mga fans—’yung tipong malulunod sa sariling pag-iyak. Feeling ko talaga na sobrang bonded ang mga characters dito lalo na yung mga batang characters na nagsimulang musmos pa sila noong 2016 hanggang sa magbinata at magdalaga na sila ay sama-sama pa rin sa seryeng kinaiibigan ng lahat.
Ito ay hindi spoiler kundi prediction lang kung sakaling magapi man si Vecna ay paniguradong may kapalit ding kamatayan sa ating mga paboritong characters. Hindi man ako si Manang Bola, pero ito ang aking mga hula:
1. ROBIN BUCKLEY (Maya Hawke)
Minamahal siya ng marami—isang karakter na kayang magpahagulhol ng marami, at isang kaluluwang malinis, matapang, at tunay na kaibigan. Ngunit may masamang kutob akong hindi ko maiwan, isang malamig na bulong na nagsasabing ang kanyang kamatayan ay magiging marahas, madugo, at hindi makakalimutan—marahil mula sa mga kuko at pangil ng isang gutóm na Demogorgon?
At kung mangyari man iyon, alam kong babasagin nito ang mga puso nating nanonood… dahil si Robin, sa mundong puno ng dilim sa upside down world, ay isa sa iilang sinag ng liwanag.
2. STEVE HARRINGTON (Joe Keery)
Malinaw na na-foreshadow na ang kamatayan niya noong nakaraang season, noong sinabi niya kay Nancy na pangarap niyang mapangasawa ang babaeng mahal niya at magpalaki ng anim na anak. Halata namang patama iyon sa magiging kinabukasan nila ni Nancy—at ang “anim na anak” na tinutukoy niya ay ang mismong mga batang inalagaan at binantayan niya sa buong serye.
At kung mamamatay man siya, tiyak na iyon ay sa isang huling pagsubok—isang sakripisyong gagawin niya para sa mga bata. At doon, sigurado akong madudurog ang lahat. Dahil ang kamatayan niya, walang duda, ay magiging isa sa pinakamahirap tanggapin—kasing bigat kung mawala sina Joyce, Hopper, at Robin.
3. CHIEF JIM HOPPER (David Harbour)
Pakiramdam ko, magtatapos din siya sa isang maalab na blaze of glory. At sa totoo lang—pambihira—kapag nangyari ’yon, sigurado akong tatamaan ako nang todo as he is one of my favorite characters sa serye.
4. JOYCE BYERS (Wynona Rider)
May saysay kung mamatay siya, dahil iyon ang magiging malaking pag-ikot ng kuwento para kay Will—isang punto na magbabago sa kanya nang tuluyan. Kaya naghahanda na ako ng isang kahon ng panyo… dahil kung mawala si Joyce, tiyak na madudurog ang puso ko.
5. MURRAY BAUMAN (Brett Gelman)
Sayang kung mawawala ang “comedy/karate” guy ng barkada, pero ramdam ko na anumang oras sa palabas, puwede na siyang kunin ng tadhana. At sa isipan ko, malinaw na malinaw ang posibleng katapusan niya: isang maalab at magiting na blaze of glory na sakripisyo para sa buong team.
6. WILL BYERS (Noah Schnapp)
Sa tingin ko, malinaw na malinaw ang eksena: mamamatay si Will para iligtas ang mga natitira, nakatayo sa tabi ni Eleven habang tinutulungan niya itong talunin si Vecna. Kahit bata pa siya, tunay na siyang bayani—isang pambihirang character na puno ng sakripisyo mula umpisa hanggang dulo.
7. ELEVEN/JANE HOPPER (Millie Bobby Brown)
Ayokong makita siyang mamatay sa harap ni Hopper, lalo na’t pasan na nito ang matinding sakit ng pagkawala ng kanyang anak noon. Sapat na ang sugat na iyon—huwag na sanang madagdagan pa.
Pero nakikita ko ring posibilidad na mamatay si Eleven sa huling laban kontra kay Vecna—isang sakripisyong ubos-lakas, inuubos pati huling patak ng kapangyarihan niya para iligtas ang mundo.
8. HOLLY WHEELER (Nell Fisher)
Gayunpaman, hindi pa rin ako kumbinsido na katapusan na niya ito. Sa Episode 1, sinabi ni Mike kay Holly na “maging sarili mong bayani”—at ramdam kong ito’y paghahanda para sa isang maliit ngunit makapangyarihang tagumpay. Sa suot niyang puffed sleeves at scout-style na necktie, siya ang perpektong sagisag ng kawalang-malay at kinabukasang nararapat sa Hawkins—kung sakaling mabuhay pa ito.
Sino sa tingin mo ang mawawalang character sa huling season?









Walang komento:
Mag-post ng isang Komento