Linggo, Agosto 10, 2025

Jack's Biking Chronicles: Padyak to Fort Santiago

 

The very first visit to Fort Santiago in 2022.

I have been to Intramuros many times, but I've never been to a place where the center of history is highlighted. Ilang beses na rin akong nakapunta sa Intramuros halos nagpapabalik-balik na nga lang or minsan dahil lumulusot ako dito para naman makapunta sa Binondo, but never ko talaga namimiss na dumaan sa simbahan ng Manila Cathedral upang manalangin at ibulong sa hangin ang aking mga dasal. Year of covid maraming beses na rin ako pumunta dito but that time sarado pa ang lugar na pinakagusto kong mabisita, ito nga ay ang Fort Santiago. Sumubok ulit ako pagkalipas ng ilang linggo pero sarado pa rin sa publiko ang nasabing lugar. Hanggang sa paglipas ng dalawang tao na medyo nag lie-low na ang pandemic sa Pilipinas at unti-unti na rin nagbubukas ang mga establisyemento sa Pilipinas. 2022 nang una kong nabisita ang Fort Santiago. Ano ba ang nasa loob ng Fort na ito at ang history behind this place? Tara pag usapan natin. 

Minsan, may mga biyahe na hindi lang basta pagod at pawis ang dala, kundi puno rin ng kasaysayan at alaala—at isa na rito ang aking bike ride mula Cavite papuntang Fort Santiago sa Intramuros, Maynila. Maaga akong umalis mula sa aming bayan sa Imus, Cavite, sumakay sa aking bisikleta baon ang mga panalangin sa aking journey at dumaan sa ruta na paborito ng maraming siklista: mula sa coastal road, dire-diretso hanggang Roxas Boulevard, sumabay sa tanawin ng Manila Bay, dumaan ng CCP Complex at tumawid papasok ng Intramuros. 

Sa mga hindi pa nakakapunta, matatagpuan ang Fort Santiago sa Intramuros, isang makasaysayang lugar sa puso ng Maynila na dating sentro ng kolonyal na kapangyarihan ng Espanya. May entrance fee ito—₱75 para sa adults at may discount para sa estudyante, senior, at PWD. Built in 1571 by Spanish conquistador Miguel López de Legazpi, Fort Santiago was the premier defense fortress of Manila, protecting the city from invaders and pirates. Ngunit higit pa sa depensa, naging saksi ito sa maraming mahahalagang pangyayari sa ating kasaysayan, kabilang na ang pagkakapiit ni Dr. Jose Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan. Pagpasok mo sa loob, ramdam mo agad ang bigat ng kasaysayan—mula sa matitibay na pader na may bakas ng panahon, mga butas ng bala na nakaukit sa mga lumang gusali hanggang sa mga lumang kanyon na nakaharap sa Ilog Pasig. Makikita rin dito ang Rizal Shrine, kung saan nakalagay ang mga memorabilia ni Rizal, pati ang kanyang huling isinulat na “Mi Último Adiós.” Ang shrine ay kaharap lamang ng Plaza de Armas. May mga lugar din na tila iniwan ng panahon gaya ng mga guho ng dating gusali, mga hardin na puno ng halaman, at mga batong sahig na dinaanan ng mga sundalo at mamamayan mahigit 400 taon na ang nakalipas. 

Dictalicense - Daloy ng Kamalayan

Isa sa mga pinakanakakakilabot ngunit makabuluhang bahagi ng Fort Santiago ay ang dungeon nito—isang madilim, makipot, at mamasa-masang piitan sa gilid ng Ilog Pasig na ginamit noong panahon ng Kastila at lalo na noong World War II. Sa kwento ng kasaysayan, libo-libong bilanggo, kabilang na ang mga Pilipinong pinaghinalaang rebelde, ay ikinulong dito sa siksikan at walang sapat na hangin o ilaw; marami ang namatay sa gutom, sakit, at hirap sa kalagayan. Noong huling bahagi ng digmaan, maraming bihag ang namatay rito nang bahain ng tubig mula sa ilog ang dungeon, dahilan upang hindi sila makalabas. Sa bawat hakbang sa loob ng dungeon, ramdam mo ang lamig at bigat ng nakaraan—isang tahimik na paalala ng sakripisyo at kalupitang naranasan ng ating mga ninuno. Ang pagbisikleta papunta sa Fort Santiago ay hindi lang ehersisyo kundi isang paglalakbay pabalik sa nakaraan—isang paalala na bawat pedalyada ay puwedeng magdala sa atin sa mas malalim na pag-unawa sa ating bayan at sa ating kasaysayan.

Dito rin pumapasok ang mga alamat at kababalaghan. Maraming nagkukwento ng mga nakakakilabot na karanasan: biglang paglitaw ng mga aninong parang sundalo, mga yabag sa sahig na wala namang tao, at malamig na simoy ng hangin sa gitna ng mainit na araw. May ilan ding nagsasabing nakakita sila ng anyo ng isang lalaking bihis bilang sundalo ng Kastila na tila nagbabantay pa rin hanggang ngayon. Totoo man o kathang-isip, ang mga kuwentong ito ay dagdag sa misteryo at kakaibang karisma ng lugar.

Para naman sa mga balak mag-bike dito, mainam na magsimula nang maaga—mga alas-5 hanggang alas-6 ng umaga—para iwas init at mas kaunti ang sasakyan sa kalsada. Maaari kang mag-stopover sa Coastal Baywalk o sa CCP Complex para magpahinga at uminom ng tubig, at kung gusto mo ng quick snack, may mga convenience store at karinderya sa may Roxas Boulevard bago pumasok ng Intramuros. Siguraduhin ding may sapat na tubig, helmet, at ilaw sa bisikleta lalo na kung aabutin ng hapon pauwi. 

These are my photos taken at Fort Santiago. 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...