Miyerkules, Agosto 6, 2025

Nostalgia at Intriga: "Ang Backmasking Controversy ng Eraserheads"

Circa 1993, the debut of Eraserheads in the music industry. Releasing their first album, Ultraelectromagneticpop!

Eto na naman tayo, ang sarao-sarap talagang balikan ng mga alaala noong dekada nobenta. This time I was at my 12 years old nung pumutok ang kontrobersiyang ito na kinasasangkutan ng isa sa paborito kong OPM band noong dekada nobenta, ang Eraserheads. Ang Eraserheads ay sumikat at nakilala sa mundo ng industriya ng musika around 1993 and released their first album, "Ultraelectromagneticpop". Talaga nga naman na pumatok sa mga Pilipino ang mga kantahan nilang maka-masa katulad ng, "Pare Ko", "Ligaya", "Toyang", at ang "Tindahan Ni Aling Nena". Kasabay ng bagong sibol din na genre na katulad ng alternative pinoy rock na talagang kinagiliwan ng mga taga-pakinig mapa-lalaki man o babae. Kahit saang kalye ng Pilipinas ay makikita kang may gitara at ang pinapraktis talaga na kanta ay ang "Pare Ko", pa strum, strum lang, emote, emote, tuning ng boses at puwede ka nang magharana ng tsikabebots noong 90s. Lahat ata nung nagpapraktis ng "More Than Words" ng Extreme na gitarero ay lumipat sa kantang "Pare Ko" ng Eraserheads. 

Sumunod pa ang maraming album sa mga dekadang nagdaan ay naging isang music icon ang bandang Eraserheads sa Pilipinas. Ngunit lingid sa kanilang kasikatan ay hindi rin sila nakaligtas sa mga kontrobersiya, isa na nga dito ay ang backmasking controversy. Ano nga ba itong backmasking at bakit nasangkot ang banda sa issue na sila ay mga kampon ng kadiliman. Tara, balik tayo sa nakaraan at pag-usapan natin. 

Sa kasaysayan ng musika sa Pilipinas, iilan lang ang mga bandang nakaukit nang matindi sa puso ng masa gaya ng Eraserheads. Sila ang simbolo ng dekada nobenta—kabataan, ligaya, angst, at malalim na emosyon. Pero sa likod ng mga awiting “Pare Ko,” “Overdrive,” at “Hard to Believe,” may isang kontrobersiyang tila masyadong hard to believe para sa ilan—ang tinatawag na backmasking. Sa gitna ng nostalgia, bumalot ang misteryo. Totoo nga ba ito? O isa lamang itong urban legend na pinatindi ng imahinasyon ng mga tagapakinig?

Unahin natin: ano nga ba ang backmasking? Backmasking is a recording technique where a message is recorded backward onto a track that is meant to be played forward. Ang pinakaunang naging kontrobersyal na kaso nito ay noong 1960s at 70s, sa Amerika at UK, kung kailan sinasabing may mga “satanic” o diumanong mensaheng demonyo sa ilang kanta ng Beatles, Led Zeppelin, at iba pa. Kapag pinatugtog ang kanta in reverse gamit ang turntable o editing software, maririnig umano ang mga mensahe na hindi mo maririnig sa normal na playback. Sa isang konserbatibong panahon, ito ay naging sanhi ng moral panic, lalo na sa mga relihiyosong grupo.

Fast forward sa Pilipinas, mid-90s—Eraserheads were at the height of their fame. Pero kasabay ng kanilang pagsikat ay ang pag-alingawngaw ng isyung may “nakakatakot na mensahe” daw ang ilan sa kanilang kanta kapag pinatugtog pabaliktad. Ang mga kantang laging nasa gitna ng kontrobersiyang ito ay: “Pare Ko,” “Overdrive,” at “Hard to Believe.” Sinasabi ng ilang nakikinig na kapag pina-backmask mo ang “Pare Ko,” may maririnig kang tila bulong ng isang lalaking may malalim na boses na nagsasabing “Satan is God,” o kaya’y “Pa-patayin kita,” depende sa imahinasyon. Sa “Overdrive” naman, sinasabing may naririnig kang “I love Satan,” habang ang “Hard to Believe” diumano’y may tinig na tumatawa ng demonyo.

Natural, naging mainit ang isyu lalo na sa mga magulang, guro, at simbahan. May mga nagsabing hindi na dapat pakinggan ang Eheads, at may mga nagpapakalat ng casette tapes na may label na “delikado” at “may demonic influence.” Pero gaya ng inaasahan, hindi ito pinalampas ng banda. Sa mga panayam, partikular si Ely Buendia, mariin nilang itinanggi ang anumang intensyon ng backmasking. Ayon sa kanila, wala silang ginawang ganoong klaseng recording at ang mga sinasabing “mensahe” ay maaaring produkto lang ng pareidolia—ang natural na tendency ng tao na makahanap ng pattern o mensahe kahit wala naman talaga. "Kung may marinig kang demonyo, baka demonyo ka talaga," pabirong sabi noon ni Ely.

Narito pa ang ilang reply ng bandang Eraserheads sa issue na ito mula kay Mr Robin River ang dating manager ng Eheads, galing sa aming pagsasaliksik  dito sa Ubasnamaycyanide, ito ang paglalahad ng kanilang manager:

"In my mind, backmasking and the controversy surrounding it hover around two concepts: 1) masked or subliminal persuasion, and 2) backwards talking. The first concept is subliminal persuasion. This was one of the conceptsforwarded byVance Packard in his book "Hidden Persuaders", which was first published in 1957. One point being made is that there are forms of communication that are used to persuade us by stimulating our subconscious, and therefore, we are not aware of how we are being manipulated (hence it is "masked"). In one so-called "experiment" that supported subliminal persuasion, single frames with advertising messages like "buy Coke" were inserted in a film showing. Because motion picture film runs at 24 frames per second, the viewers were not conscious of the message. The experiment prematurely concluded that the message was effective because several audience members went out to buy that product from the store as the film was being shown. But many variables were not considered, so the experiment came under heavy criticism. When I was in college (U.P. College of Mass Communication)in the late 1970's this particular concept had already lost steam, and the methodology of the experiment came under fire because it could not be reliably replicated. I actually did a library search about a couple of decades later when the EHeads were accused of backmasking, and by then, the concept was merely mentioned in most books as obsolete and discredited. The second concept revolves around popular beliefs about demonic persuasion and exorcism. The assumption is that the devil communicates on levels that, like subliminal persuasion, are not detected by our conscious minds. That includes things like talking backward (hence the "back" in backmasked). But these beliefs are so medieval, and have roots in the dark ages of the Christian Church, much like the Inquisition, which I consider the height of paranoia and political repression. Besides, talking in "strange" ways (as in backward) is not only attributed to satan and his worshippers, but by early Christians as well(as in"speaking in tongues"), so this kind of phenomenon is not unique to satan. I remember viewing a documentary produced by the Campus Crusade for Christ in the late 80s that demonstrated several alleged blasphemous backmasking messages drawn from the Beatles and several subsequent hard rock bands. The documentary then goes on to try to convince CCC members to only listen to "Christian" bands who have links to the organization and fall under the genre called "Christian Contemporary Rock".From time to time, other religious groups have done the same with local secular bands such as the Eraserheads. In my response to this, I usually dare these people/groups to take the music of so-called "Christian" musicians and bands and do the same thing. I can guarantee that similar "messages" will be found. But it's no use arguing with people who insist on hearing what they want to hear, even if it's not there. For all we know, this whole thing could be nothing more than a tool for proselytizing and/or a marketing gimmick in support of "Christian" artists. While we were working on Fruitcake, I remember there was a religious group that once again brought the issue of backmasking to the media, accusing us of intentionally putting blasphemous statements in our recordings. And since the mass media machinery is always on the lookout for controversy (no matter how stupid or inane it may be) to boost sales/viewership, the group got its 5 minutes of fame. Our response was to reverse the lines"Merry Christmas Everybody, Happy New Year Too" at the start of the album, and dare them to find anything demonic in it. Our point was that if they still found something blasphemous about it, they were either paranoid, deluded, or stupid. For the record, we never intentionally put any "backmasked" blasphemous messages in our recordings. I hope this puts this issue to rest."

Eraserheads - Hard To Believe

Hindi maikakaila na bahagi ng appeal ng Eraserheads ay ang kanilang pagkamisteryoso at experimental sa musika. Ngunit kahit gaano pa sila ka-avant-garde, wala talagang matibay na ebidensya na sinadyang maglagay sila ng backmasked messages. Sa katunayan, sa interviews, madalas pa nilang gawing biro ang buong isyu. Isa ito sa mga panahong ang kabataan ay nahuhumaling sa urban myths at kasamang lumaki ng kasikatan ng banda.

Ngunit bakit ba sobrang nakaka-engganyo ang ganitong klase ng kontrobersiya? Simple lang—sa panahong wala pang social media, ang ganitong tsismis ay parang apoy sa gasolina. Kakaibang thrill ang dulot nito sa mga batang mahilig mag-experiment gamit ang cassette recorders, pinapabaliktad ang tapes para lang marinig ang sinasabing kababalaghan. Isa rin itong patunay kung gaano ka-iconic ang banda—dahil pati sa imahinasyon ng masa, malalim ang kanilang impluwensya.

Na mas pinadingas pa ng mga matatanda ang apoy. May mga magulang, lolo at lola na nagbawal sa pakikinig sa mga kanta ng banda o huwag tangkilikin mismo ang banda. Medyo unfair sa Eraserheads yun dahil wala naman napatunayan na gumagawa sila ng kanta para sa kampon ng kadiliman. May pareidolia na nagmumula sa mata kung saan ay binigyang imahinasyon ng utak kung sa anong navivisualize ng ating mga mata. Ang mabisang halimbawa dito ay ang mga ulam na nagkokorteng kung anu-anong bagay na hindi sinasadya ng ulap na magkaroon siya ng korte na magbibigay ng malilikot na imahinasyon sa mga tao. Ganun din sa ating mga tainga. Sa pag back mask ng mga nasabing kanta maaaring may mga narinig ang ilan na hindi kaaya-aya sa kanilang pandinig at bumuo ng mga salitang blasphemous para sa ating Panginoong Hesus. 

At kung tatanungin mo kung may tunay nga bang “hidden message” sa mga kantang ito, narito ang isang hard to believe na sagot: Ang totoong mensahe ay ang epekto ng kanta sa’yo. Ang sakit ng “Pare Ko,” ang kabaliwan ng “Overdrive,” at ang emosyon ng “Hard to Believe”—lahat ng ‘yan ay mensaheng hindi mo kailangang pakinggan pabaliktad para maintindihan. Ang musika ng Eraserheads ay nagsilbing salamin ng kabataang Pilipino noong ‘90s, puno ng hinagpis sa palpak na pag-ibig, saya, kalituhan, at pang-masa. Hindi mo kailangang ipilit ang demonyo para maintindihan ang lalim ng kanilang sining.

Sa huli, ang backmasking controversy ng Eraserheads ay nananatiling bahagi ng pop culture nostalgia. Isa siyang paalala na minsan, kahit ang musika na inaakala mong simple lang ay nagiging sentro ng masalimuot na usapan. Pero gaya ng mga multong nagmumulto lang kung pinapansin, ang mga tsismis na ito ay naglalaho kapag tiningnan natin ang katotohanan: ang mga kanta ng Eraserheads ay para sa kabataan, hindi sa kadiliman.

Ngayon, mahigit dalawang dekada na ang lumipas, at kapag naririnig natin ang intro ng "Pare Ko," automatic ang ngiti. Kapag sumabog ang "Magda-drive ako buong araw..." ng "Overdrive," sabay-sabay pa rin tayong magkakantahan lalo na sa mga excursions at bakasyon at ang ating view ay kaundukan at karagatan. At kahit ang "Hard to Believe" ay nananatiling paborito ng mga tagahanga—hindi dahil sa kababalaghan kundi dahil sa emosyon. Ang tunay na “hidden message” ng Eheads ay hindi sa likod ng kanta kundi sa damdaming makapanuyo ng mamahalin habambuhay. 

Kung may aral man tayong makukuha sa isyung ito, ito ay ang kakayahan ng musika na maging mitolohiya, na ang isang simpleng linya o himig ay kayang bumuhay ng imahinasyon, pagdududa, at pagsamba. Hindi mo na kailangang baligtarin ang kanta para mahanap ang hiwaga—minsan, nasa harapan mo na pala ang mensahe. At gaya ng musika ng Eraserheads, ang epekto nito ay timeless—hard to believe, pero totoo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...